h1

Kapalaran

Oktubre 28, 2009

Tama ang dahilan ngunit mali ang paraan
Walang magawa sa lipunang mapanghusga
Naghuhumiyaw ang damdaming di mapakawalan.

Walang di gagawin upang tiyan ay malamnan
Tila biglang sumusugba sa init ng baga
Tama ang dahilan ngunit mali ang paraan.

Sa buhay ang nagwawagi’y makapangyarihan
Ganito ba ang buhay na sadyang itinalaga?
Naghuhumiyaw ang damdaming di mapakawalan.

Upang matustusan ang luho ng katawan
Kapalit ay puri sa kakarampot na halaga
Tama ang dahilan ngunit mali ang paraan.

Di pantay na pagtingin iyong masasaksihan
Mahina’y anong aba pagkat walang panangga
Naghuhumiyaw ang damdaming di mapakawalan.

Maghimutok sa kinasadlakang kapalaran
Pagkat walang magagawa kahit pa magtiyaga
Tama ang dahilan ngunit mali ang paraan
Naghuhumiyaw ang damdaming di mapakawalan.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: