h1

Pandesal at Tanaga

Nobyembre 5, 2009

Ganap na ika 4:30 ng umaga, kahit na anong panghalina ng aking higaan ay kinailangan kong mag-unat-unat at gumayak upang hindi mahuli sa pagpasok sa opisina. Ang sarap sanang mamaluktot sa higaan ngunit kailangang magsikhay, ito na ang pilosopiya ko. Di na tulad ng dati, noong  nasa kolehiyo pa ako. Ibang-iba ang set-ap, ngayon bawat sandali’y mahalaga, bawat minuto’y ginto.
Ang lamig ng simoy ng hangin, tunay ngang nalalapit na ang Kapaskuhan. Ang tubig ay tila nagyeyelo. Ang pagsayad ng tubig sa aking katawan ay tila isang sakripisyo. Pag-ibis ko ng bahay di ko na nakuhang mag-almusal kaya naman tinangay ko na lang ang ilang pirasong pandesal para kainin ko sa aking biyahe. Bigla ko tuloy naalala ang ginawa kong isang tanaga dati.

Narito ang tanaga:

Nausal sa Pagsikat

 

Tumindig at umunat
Ang araw ay sumikat
Sa tinapay kumagat
Nausal ay salamat.

Ano nga ba ang tanaga? Ang tanaga ay isang maikling katutubong Tula na naglalaman ng  aral at payak na pilosopiyang karaniwang ginagamit ng matatanda sa pagpapagunita sa mga kabataan.
Ang estruktura nito ay binubuo ng apat na taludtod at pintong pantig kada taludtod. Bagama’t maikli, tunay na naglalaman pa rin ito ng hiwaga.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: