h1

Paghulagpos sa Kanluraning Tanikala

Hunyo 14, 2010

Kapansin-pansin ang pamamayagpag ng mga Hollywood films sa ating mga sinehan. Patuloy ang pagtangkilik ng mga Pilipino sa mga pelikulang nagpapakita ng Kanluraning kultura. Ang pagkakaroon ng kolonyal na mentalidad na nakahihigit ang produkto o gawa ng mga banyaga ang isa marahil sa mga ugat kung bakit patuloy na pumapatok sa takilya ang mga Hollywood films. Hindi nakapagtataka kung bakit humihina o nanamlay ang industriya ng pelikula sa ating bansa.

Sa pag-usbong ng bagong henerasyon, nagkakaroon din ng pagbaklas sa namamayaning sistema. Maituturing ang pagsulpot ng mga indie films sa pagtatangkang sirain ang namamayaning uri. Ngunit tila isang pakikibaka pa rin ang nagaganap sapagkat hindi pa lubusan ang pagtanggap ng mga Pilipino sa ganitong uri ng pelikula. Dahil dito, dinadala ng ilang independent filmmaker ang kanilang pelikula sa mga internasyunal na pagtatanghal. Hindi naman ito bigo sapagkat napapansin ang pelikula at sa katunayan ay nakatatanggap pa ng parangal. Indikasyon ito na may kalidad ang ganitong uri ng pelikula.

Maituturing na isang pagpapalaya sa namamayaning gahum sa lipunang Pilipino ang mga indie film. Ang mga genre ng pelikulang itinatanghal sa mga indie film ay hindi bago gaya ng comedy, horror, kuwento ng pag-ibig, at iba pa. Ngunit ang paksa o ang ideyang pumapaloob sa pelikula ay maituturing na kontra-gahum. Isang pagtatanghal ng realistikong pananaw sa kulturang Pilipino. Isang paggigiit ng pagkakakilanlan ng ating sariling kultura.

Upang magkaroon ng higit na kaalaman ukol sa mga indie films at matunghayan ang malalimang pagsusuri sa mga ito, makabubuting basahin ang papel na “Ang Pelikulang Bukod na Bukod: Ang Pelikulang Alternatibo bilang Mapagpalayang Sining” ni Elvin Amerigo Valerio sa websayt na ito – http://ejournals.ph/index.php?journal=DALUMAT&page=article&op=view&path%5B%5D=20

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: