h1

Edukasyong Pisikal ng mga Pinoy

Setyembre 6, 2010

Noong panahon ng kolonyalismo ng mga Amerikano, inorganisa o isinaayos nila ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas ayon sa kanilang kagustuhan bilang bahagi ng kanilang layunin ng pagtuturo sa mga Pilipino ng demokrasya at pagsasanay upang pamahalaan ang sarili. Ang pagtatatag ng pampublikong sistema ng edukasyon ang kanilang hakbang upang maisakatuparan ang layuning ito. Tinawag na Thomasites ang mga gurong Amerikanong nagturo sa mga Pilipino. Ang bansag na Thomasites ay nagmula sa sinakyan nilang barkong panghakot ng sandatahang Amerikano (US Army transport) na pinangalanang Thomas.

http://en.wikipilipinas.org/images/thumb/5/5c/Thomasites.jpg/300px-Thomasites.jpgMga Thomasites sa Pilipinas

Binigyan ng pagpapahalaga ng mga Amerikano ang edukasyong pisikal bilang bahagi ng programa sa edukasyon at iniharap ito sa pagbubuo ng kurikulum na itinakda sa mga paaralan. Ayon sa mga Amerikano, pinaigting nila ang programang edukasyong pisikal upang mapaunlad ang kalusugan at sanitasyon ng mga Pilipino at pagbibigay-diin upang mapaunlad ang karakter ng isang indibidwal.

Kaalinsabay ng pagtuturo ng edukasyong pisikal, nakapaloob dito ang introduksyon at pagtuturo ng mga larong Amerikano tulad ng basketball, baseball, volleyball, track and field, at iba pa. Hindi maikakaila na pinaunlad ang mga naturang larong ito sa mga paaralan at sinanay ang mga mag-aaral na Pilipino na tanggapin ang ganitong uri ng laro.

Subalit hindi rin maikakaila na mayroong tradisyonal o katutubong laro ang mga batang Pilipino bago pa man ang kolonisasyon ng mga Kanluranin sa bansa tulad ng patintero o harangang-taga o tubigan, iring-iring, takip-silim, tumbang preso, araw-lilim, luksong tinik, at marami pang iba. Nakalulungkot isipin na ang mga katutubong laro ng mga Pilipino ay maaring mawala dahil na rin sa introduksyon ng modernong larong dala ng Amerikano sa lokal na lipunang Pilipino. Ang pagintrodus o pagpapaloob ng mga katutubong laro sa mainstream tulad ng pagiging bahagi nito sa edukasyong pisikal ay maaring maging potensiyal upang makilala at mapaunlad ang mga katutubong laro hindi lamang dito sa Pilipinas ngunit maging sa iba’t ibang bansa.

Para sa karagdagang impormasyon ukol sa edukasyon, kultura, at ilang isyu sa lipunang Pilipino, basahin ang mga lahok na artikulo sa http://www.ejournals.ph

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

%d bloggers like this: